πππππ π π’π‘π§ππ‘π πππ₯π - Nakaka tuwang isipin na pagkalipas ng dalawang taon ay nabuksan na nga sa publiko ang isa sa pinaka bagong pasyalan sa lugar ng Tarlac. Samantalang January 2018 ang tawag namin ni Donna Sergio at ng Farm owner na kaibigan namin na sina Mary Joy Tangelon at Jerico ay "J&J Farm" at ngayon official na nga itong tinawag na "BELLA MONTANA FARM" ngayong July 2020.
Unang nakilala ang bayan ng Bamban dahil sa mala Rome na resort nito, ang Goshen. Ngayon may isang farm nanaman na gagawin ding resort na anlakas maka Bali at parang little Batanes ang ganda. Fresh na fresh ang hangin at nakakawala ng stress
ang view. π²π³πβ°οΈ
Matatanaw mo din dito ang Mt.Arayat, sobrang ganda. Sa paanan ng bundok makikita modin ang bagong bridge na ginagawa papuntang New Clark City.
Kaya sa mga gustong pumunta at pumasyal sa napaka gandang tanawin at napaka sariwang hangin mag book at tumawag sa FB Page ng "BELLA MONTANA FARM"
ππ‘π§π₯ππ‘ππ πππ: Napaka mura sa halagang 25 pesos lang!
π’π£ππ‘: 6AM-6PM
For more info, mag message po kayo sa
official page ng BELLA MONTANA FARM.
Book now and message: MARY JOY BORELA TANGELON she owned this Farm.
πͺπππ§ π§π’ ππ’:
βEvent Place for wedding
βNew place for Movie/ teleserye
βPrenup
βNature trippin
βPicnic
βUnli photoshoot
πͺπππ§ π§π’ ππ«π£πππ§:
β360 degree view ng farm na sobrang perfect.
βMay mga duyan sa mga puno at meron ding mga upuan at mesa. Pwedeng-pwede kayong mag picnic.
βMakikita mo dito ang view ng Bamban, Mabalacat at Clark City.
βMadadaanan niyo din ang little Baguio ng Bamban.
βMedyo pahirapan lang sa daan paakyat sa farm. Pero kakayanin naman kung ganito naman kaganda ang view na makikita mo.
π‘π’π§π: Bawal ipasok ang motor sa loob ng farm. Don't worry malawak naman ang sa labas, mababantayan naman ang sasakyan niyo. Isama palabas ang mga kalat o kaya itapon sa tamang lagayan. Bawal mag overnight sa farm or mag camping sa ngayon. Para mas safe kayo, kung maulan huwag na muna kayong tumuloy.
ππ’πͺ π§π’ πππ§ π§πππ₯π?
From Manila: π
βSakay kayo ng Bus na dadaan sa Dau Terminal.
βPagbaba niyo punta kayo sa Mc Arthur highway then sakay kayo ng pa Capas o Bamban, Tarlac.
βPababa kayo sa kanto ng grotto o pa Goshen resort. Alam na ng driver yun. Palatandaan din ang malaking tulay ng Bamban na boundary ng Pampanga at Tarlac.
From North (Tarlac): π
βSakay kayo ng mini bus or jeep kung meron na.
βThen pababa kayo sa kanto ng grotto or papuntang goshen.
ESTIMATED TIME: β±οΈ
Magmula sa kanto ng Grotto, Bamban mga 30minutes siguro siya depende kung kabisado niyo ang daan.
Click for more photos!
No comments:
Post a Comment